34 border checkpoints inilatag sa Metro Manila

Tatlumpu’t apat na border checkpoints ang inilatag ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa gitna na rin ng pagsipa ng kaso ng COVID-19. Layon nito na i-monitor at tiyakin ang pagsunod ng publiko sa minimum health protocols.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao, ang nasabing mga checkpoints ay magsasagawa ng visibility patrols at random checking para matiyak na sumusunod ang mga public transport vehicles sa 70 percent capacity ng mga pasahero.

Tututukan din ang mga nagtutungo sa mga establisimento at iba pang mga commercial services na dapat ay mga fully vaccinated lamang.

Kabilang rin sa mahigpit na iniinspeksyon ay ang mga gumagamit ng motorsiklo sa pagbiyahe kung saan ang mga walang vaccination cards ay binabalaan na pinababalik lalo na ang mga nahaharang sa mga border checkpoints.

Nabatid na ang mga checkpoints na inilatag ng NCRPO ay katuwang rin ang mga pulis na iba pang mga security forces na nagbabantay dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.