Asymptomatic healthcare workers sa PGH di na kailangan ng quarantine

Para tugunan ang kakulangan sa empleyado, hindi na sasailalim sa quarantine ang mga healthcare workers sa Philippine General Hospital at San Lazaro Hospital kung sila ay na-expose sa COVID-19 at wala namang sintomas.

Taliwas ito sa direktiba ng IATF na paiksiin na lang ang quarantine ng mga fully vaccinated na healthcare workers sa limang araw.

Sa huling tala noong Linggo, 250 sa 2,000 COVID frontliners sa PGH ang nagkasakit.

Umabot naman sa 51 percent ang ICU bed occupancy sa NCR mula sa 25 percent lamang noong nakaraang linggo.

Sa San Lazaro naman napansin ang pagdami ng severe o malubha at kritikal na mga kaso ng COVID-19 kahit pa bakunado ang mga pasyente. Nilinaw naman ni Dr. Rontgene Solante, chief ng adult infectious diseases and tropical medicine unit ng San Lazaro na ang mga ito ay talagang mga immunocompromised at vulnerable.

Puno na rin ang ICU sa PGH, habang 20 percent na lang ng COVID ward nito ang bakante, kaya sinimulan nang gawing COVID ward ang dati ay mga non-COVID wards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.