Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11, planong gawin sa unang linggo ng Feb. – DOH

Ayon sa DOH, plano ng pamahalaan na isagawa sa unang linggo ng Pebrero ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa mga batang 5-11 years old.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, hinihintay na lamang ng pamahalaan ang pagdating ng mga inorder na Pfizer doses para sa naturang age group.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng dumating ang first tranche ng mga naturang bakuna sa katapusan ng Enero o sa unang linggo ng Pebrero.

Paliwanag pa niya: “We have to understand there is a global shortage of these 5 to 11 years old na bakuna coming from this manufacturer, kaya nagkakaroon ng allocation per country sila ngayon.”

Nitong huling bahagi ng December 2021 inaprubahan ng FDA ang emergency use authorization o EUA para sa Pfizer vaccine para sa edad 5-11 years.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.