Covid: Christmas travel will fuel spread of Omicron, US expert warns

Ayon kay Dr. Anthony Fauci, ang pangunahing infectious disease expert ng America na mapapabilis ang pagkalat ng Omicron variant dahil sa padating na Christmas travel sa bansa.

Sa ngayon, naging mas agresibo ang gobyerno ng United States sa pagbibigay ng COVID boosters matapos sabihin ng mga researcher na ang pagbibigay nito ay maaaring protektahan ang mga tao ng halos 85% laban sa seryosong sakit.

Idiniin ni Fauci na dahil mabilis kumalat ang Omicron, maaaring magkaroon ng malaking epekto ito sa health services sa bansa. Inanyayahan niya ang mga tao na mag-ingat, magsuot ng face mask, mag social distancing, at magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa tala ng Amerika, 73% na ng bansa ang nabigyan ng isang dosage ng bakuna. Sabi rin ng CDC na 30% ng populasyon ay nabigyan na rin ng booster shot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.