DILG: Pulis mananagot sa ‘curfew violator’ death sa Cavite kung may abuso

Pinaiimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government ang pagkamatay ng isang “curfew violator” sa General Trias City, Cavite kamakailan matapos mamatay kaugnay diumano ng ipinataw sa kanyang parusa sa gitna ng Enhanced Community Quarantine.

Una na kasing ibinalitang pinag-“pumping” — isang uri ng ehersisyo — ng 300 beses ng kapulisan si Darren Manaog Peñaredondo dahil sa paglabas ng bahay ng dis-oras ng gabi. Meron kasing umiiral na curfew kontra COVID-19.

Matapos ito, kita sa mga kumakalat na video na hirap nang makalakad ang lalaki pag-uwi ng bahay. Nagresulta na raw ito sa pagka-comatose ng biktima hanggang sa tuluyang pagkamatay.

Una nang itinanggi ni Police Lieutenant Colonel Marlo Solero, General Trias City police chief, na wala silang ipinapataw na pisikal na parusa laban sa mga lumalabag sa health at curfew protocols ngunit nagbibigay lang daw ng lectures sa mga lumalabag.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.