Bed capacity sa mga ospital pinadadagdagan

Para wala nang tatanggihang pasyente sa mga ospital lalo na ngayong COVID-19 pandemic, iminungkahi ni Senador Sonny Angara ang pangangailangan na itaas ang bed capacities sa mga ospital.

Sa pahayag ni Angara, chairman ng Senate finance committee, lubhang nakakabahala ang mga ulat na mayroong mga pasyenteng itinataboy ng mga ospital kahit na malala na ang kanilang kondisyon dahil punuan na sila.

Ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at mga bagong variants ay nagmumulat lang para palakasin ang health system ng bansa.

Dapat na taasan na ang kapasidad ng mga ospital para lahat ng Filipino na nangangailangan ng atensyong medikal ay magamot.

Ang reaksyon ni Angara ay dulot ng pahayag ni Dr. Jaime Almora, presidente ng Philippine Hospital Association na lahat ng ospital ay “overwhelmed at overran” na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID dahil sa nauubos at overworked na manpower.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.