‘Household lockdown’ isinusulong

Sa gitna ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay nais ni Marikina City Representative Stella Quimbo na magpatupad ng ‘household lockdown.’

Pahayag ni Quimbo, “Ang kelangan sa ngayon ay ‘household lockdown.’ Households with at least one member who is COVID positive must be put on lockdown and all basic needs will be delivered to them with the assistance of the LGUs.”

Dagdag ng mambabatas, “Keeping the lockdowns as localized as possible, down to the household level, will ensure that the needed health care and economic assistance including ayuda are sufficiently provided for and at the same time economic activity outside the affected households can continue.”

Aniya, dapat dalhin sa isolation facility ang nagpositibong miyembro ng pamilya kung hindi posible ang home quarantine.

Saad pa nito na dapat i-quarantine ang lahat ng kasama nito sa bahay kahit hindi pa dumaraan sa swab test.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.