500,000 karagdagang bakunang gawa ng Sinovac, dumating ng Maynila

Dumating noong Linggo sa Maynila ang karagdagang 500,000 dosis ng bakuna kontra COVID-19 na binili ng pamahalaang Pilipino mula sa Tsina.

Matatandaang isang milyong dosis ng CoronaVac, brand name ng bakuna, ay dumating sa Maynila noong Marso 29.

Nauna rito, isang milyong bakuna ng Sinovac ang ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas, na magkahiwalay na dumating noong Pebrero 28 at Marso 24.

Bunga ng donasyon ng Tsina, napasimulan ng Pilipinas ang pambansang inokulasyon.

Sinabi ni Helen Yang, General Manager ng Sinovac Biotech na sa kabila ng mahigpit na pangangailangang pandaigdig, pinipilit ng Sinovac na tugunan ang pangangailangan ng Pilipinas para hindi maantala ang vaccine rollout ng bansa.

Tiniyak din ni Yang ang kaligtasan ng bakuna. Aniya, 70 milyong dosis na ng Sinovac ang nagamit sa buong mundo at ayon sa mga nakolektang datos, walang ipinakitang adverse side effect ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.