Pagbabakuna sa mga dayuhang nasa Tsina, patuloy; kabilang ang estudyante’t gurong Pinoy

Bilang pagsunod sa atas ng pamahalaan, sinimulan sa Beijing noong ika-26 ng Marso ang pagbabakuna kontra COVID-19 para sa mga dayuhan.

Maaaring magpabakuna ang mga dayuhan na nasa edad 18 taong gulang pataas.

Sa kasalukuyan, binigyan ng Tsina ng conditional approval o emergency use authorization sa loob ng bansa ang tatlong inactivated vaccines ng Sinovac, SinoPharm at Wuhan Institute; isang adenovirus vector vaccine ng CanSino; at isang recombinant protein sub-unit vaccine ng Zhifei. Ayon sa National Health Commission, ang lahat ng ito ay ligtas batay sa mga pag-aaral.

Ayon din sa National Health Commission ng Tsina, higit 142 million doses of COVID-19 vaccines ang itinurok na sa loob ng bansa hanggang unang linggo ng Abril.

Samantala ibinahagi na rin ng Tsina ang higit 100 million doses ng COVID-19 vaccines sa maraming mga bansa sa iba’t ibang panig ng mundo na kinabibilangan ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.