Pagbabakuna sa health workers, may comorbidities sa Quezon City, itutuloy ngayon

Ipinagpatuloy ng local government unit ng Quezon City noong Abril 4 ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga healthcare workers at mga persons with comorbidities na nagkakaedad ng 18 hanggang 59-anyos.

Nilinaw naman nito na wala munang iskedyul nang pagbabakuna para sa mga senior citizen dahil wala pa anilang suplay ng AstraZeneca vaccine na siyang itinuturok sa mga ito.

Ang hawak pa lamang umano nilang COVID-19 vaccine sa ngayon ay ang Sinovac na galing China hindi pa inirerekomenda na maipagkaloob para sa mga nakatatanda.

Pinapaalalahanan ng lungsod ang mga residente na tanging ang mga kasama sa priority group na kasalukuyang binabakunahan ang maaaring makakuha ng schedule.

Inanunsiyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na sa sandali aniyang matanggap ng city government ang karagdagang doses ng AstraZeneca ay kaagad nilang sisimulan muli ang pagbabakuna sa mga senior citizen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.