Lady passenger hinoldap, pinatay ng Grab driver

Isang Grab driver at kasabwat nito ang naaresto ng mga awtoridad matapos holdapin at pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang kanyang 24 anyos na babaeng pasahero noong Biyernes Santo sa Quezon City.

Ayon sa QCPD, naaresto ang mga suspek na sina John Lester Alhambra, 24, Grab Driver ng San Jose Del Monte, Bulacan, at Bryan Kennet Yumol, 24, ng Parañaque City, na itinuturong nangholdap at nakapatay sa biktimang si Carlota Antasuda ng Pasig City.

Sa ulat ng QCPD-Crime Investigation Section, nagpa-book sa Grab si Antasuda at nagpapahatid pauwi ng kanilang tahanan sa Pasig City noong madaling araw ng Abril 2.

Sa booking ng biktima ay isang itim na Toyota Innova ang dapat sana ay susundo sa kanya sa UP Techno Hub sa Quezon City. Pero ang dumating ay isang brown na Mitsubishi Montero na dala ni Alhambra. Sumakay naman ang biktimanang di alam na nagtatago sa likod ng behikulo si Yumol.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.