Dagdag ECQ ayuda labas sa P1,000? ‘Wala nang pera,’ sabi ng Malacañang

Wala nang pera ang gobyerno para sa dagdag na ayuda para sa mga apektado ng enhanced community quarantine, pero may magagawa naman daw ang gobyerno para madagdagan pa ang aid na ito.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque matapos patagalin ng isa pang linggo ang ECQ para sa NCR Plus bubble.

Hangga’t maaari magandang maibigay na raw ang 1,000 pisong ayuda para sa 23 milyong indibidwal sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal “as soon as possible.”

Gayunpaman, hindi nagbigay ng deadline si Roque.Sa kabila ng tulong na 1,000 piso, matatandaang nagtakda ng maximum na 4,000 piso kada pamilya ang Department of Budget and Management.

Una nang sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na ibibigay ang ayuda “in kind” ngunit binigyang laya raw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units na diretsong magbigay ng cash para mapabilis ang proseso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.