Pagsuporta ng Tsina sa multilateral at regional free trade, malaking bentahe para sa Pilipinas: Aaron Jed Rabena

“Slowbalization” ang salitang ginagamit ng mga eksperto upang ilarawan ang masamang epekto ng pandemya sa ekonomiya ng mundo.

Sa gitna ng matinding pandaigdigang pagsubok na ito, hindi lamang itinutuon ng Tsina ang pansin sa mabilis at mas mataas na kalidad na pag-unlad, pinahahalagahan din nito ang pagbubukas sa labas at pakikipagtulungang panrehiyon at pandaigdig.

Hinggil dito, sinabi ni Aaron Jed Rabena, Research Fellow sa Asia Pacific Pathways to Progress, isang foreign policy think tank, na “Ang commitment ng China na bawasan ang negative list ay isang opening para sa mga Filipino investors na nais mag-invest sa China.”

Malinaw ang magiging galaw ng Tsina sa pinakahuling panlimahang taong plano (2021-2025) at sa pangmalayuang mga balak ng bansa hanggang sa 2035.

Sa ilalim ng naturang plano, pumapasok na ang Tsina sa bagong yugto ng pag-unlad tungo sa sosyalistang modernong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.