13 local execs na sumingit sa bakuna naisyuhan ng show cause orders – DILG

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government na umaabot na sa 13 local officials ang naisyuhan nila ng show cause orders matapos na sumingit sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Ito ay ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing.Una nang inatasang magpaliwanag ng DILG sina Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City, Leyte; Mayor Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato; Mayor Sulpicio Villalobos ng Sto. Niño, South Cotabato; Mayor Noel Rosal ng Legazpi City, Albay; Mayor Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan at Mayor Elanito Peña ng Minglanilla, Cebu.

Ipinabeberipika na rin umano ni Densing ang iba pang mga ulat na mas marami pang alkalde ang nagpabakuna na rin laban sa coronavirus.

Nauna rito, umapela na rin si Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na payagan nang maisama sa priority list ang mga alkalde, media at mga bumbero dahil madalas din silang malantad sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.