Xi Jinping, nakidalamhati sa kababayang nasawi sa pagkadiskaril ng tren sa Taiwan

Ipinahayag noong Sabado, ika-3 ng Abril, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ang pakikidalamhati sa mga kababayang nasawi sa aksidente ng pagkadiskaril ng tren na naganap nitong Abril 2 sa Taiwan.

Ipinahayag din ng Presidente ng bansang Tsina ang pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi at mga nasugatan sa aksidente.

Ang aksidenteng ito sa Taiwan ay pinag-uukulan ng malaking pansin niya, dagdag ni Xi.

Naganap ang aksidente ng pagkadiskaril ng tren sa Hualien County sa silangan ng Taiwan.

Ayon sa mga lokal na awtoridad, may 50 katao na namatay dahil sa pagkadiskaril ng tren, na kinabibilangan ng tsuper at katulong na tsuper ng tren, at 48 pang pasahero. Nasugatan naman ang 146 na iba pa.

Ito ang pinakamalubhang aksidente sa Taiwan, nitong mahigit apat na dekadang nakalipas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.