Simbahan na ‘di susunod sa IATF ipapasara

Kung hindi susunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang mga simbahan ay maaari itong ipasara ng gobyerno.

Ito ang naging babala ni presidential spokesperson Harry Roque, at maaaring gamitin ng gobyerno ang police powers nito para ipasara ang mga simbahan.

Ayon pa kay Roque, hindi sakop ng “separation of church and state” ang hindi pagsunod sa resolusyon ng IATF.

Ani Roque, “What is covered is the freedom to believe and the freedom not to endorse a religion. Pero in the exercise of police powers, we can order the churches closed.”

Umapela si Roque kay Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, Archbishop ng Maynila, na huwag sanang dumating ang pagkakataon na ipasara ang bubuksang simbahan.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos ipalabas ni Pabillo ang pastoral instructions na bubuksan ang mga simbahan kung saan ipatutupad ang 10% capacity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.