Quarantine pass, nais ibalik ng PNP

Umapela ang Philippine National Police sa Inter-Agency Task Force na ibalik ang paggamit ng quarantine pass habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang ilang lugar sa bansa.

Aminado ang pulisya na nahihirapan sila na tukuyin ang mga taong awtorisadong lumabas sa mga komunidad sa National Capital Region na nasa ECQ.

Dahil dito, inirekomenda ng PNP na ibalik ang quarantine pass para sa lahat ng Authorized Persons Outside of Residence. Magugunitang ang mga barangay ang nag-issue ng quarantine pass noong unang nagkaroon ng community quarantine para sa isa o dalawang tao sa bawat bahay na may pahintulot na lumabas para mamili ng pagkain.

Unang sinabi ng PNP na hahanapan lang ng ID ang mga taong nasa labas ng bahay bilang patunay na sila ay APOR.Pero may ilang mga sinita na walang maipakitang ID o hindi alam ang mga patakaran sa ECQ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.