Quezon City contact tracers, brgy. response teams, ibang frontliners nabakunahan na

Makaraan ang isang taong pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic, may kabuuang 1,770 private sector health professionals, contact tracers, barangay healthcare workers, at iba pang frontliners ang naturukan na ng unang dose ng bakuna.

Ang naibigay na CoronaVac at AstraZeneca vaccines sa mga miyembro ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Disease Unit, Barangay Health Emergency Response Teams, at piling tauhan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office ay donasyon mula sa national government.

Pahayag ni Mayor Joy Belmonte, “To get our frontliners vaccinated is an achievement since this will provide them protection especially in the performance of their duties. It is our responsibility to make sure that all of our healthcare workers including our support teams are safe from the virus.”

Target ng lokal na pamahalaan na mabakunahan ang mahigit na 6,000 frontliners kasama na ang mga health workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.