‘NCR plus bubble’ makakatulong para mapababa ang kaso ng COVID-19

Naniniwala ang OCTA Research Team na makakatulong ng malaki para mapababa ang bilang ng COVID cases ang ipinaiiral na ‘NCR plus’ quarantine bubble sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ayon kay Guido David ng OCTA, hindi kaagad mararamdaman ang pagbaba ng kaso sa loob ng ng dalawang linggong pagpapatupad na mas mahigpit na mga restriction pero maaaring magsimulang bumaba ang kaso sa loob ng apat na linggo.

Sabi ni David, “I’m not saying it’s impossible, but it seems very unlikely to happen to get it to reverse in two weeks. Best case scenario it would take us maybe four weeks to start having a decrease in cases.”

Kung tataas anya ang kaso ng COVID ito ay iikot lamang sa mga lugar na nasa loob ng bubble at hindi sa ibang lalawigan.

Hinikayat ng naturang grupo na ipagpatuloy ang paghihigpit ng health protocols para mabigyang daan ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.