Ulat sa magkasanib na pananaliksik ng Tsina at WHO sa paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19, pormal na inilabas

Pormal na inilabas noong Marso 30 ng World Health Organization ang ulat hinggil sa magkasanib na pananaliksik ng Tsina at WHO sa pinagmulan ng COVID-19.

Ipinalalagay ng ulat na “extremely unlikely” na nahawa ang sangkatauhan ng coronavirus dahil sa pagtagas ng virus mula sa laboratoryo.

Nagsimula noong Enero 14 ang isang magkasanib na misyong binubuo ng 17 dalubhasang Tsino at 17 dalubhasang dayuhan ang 28-araw na pananaliksik sa pinanggalingan ng COVID-19 sa Tsina, at isinulat ang ulat ayon sa nasabing pananaliksik.

Sa briefing ng WHO nang araw ring iyon, pinasalamatan ni Dr. Peter Ben Embarek, Puno ng Misyon ng WHO, ang ibinigay na suporta ng pamahalaan at mga siyentipikong Tsino sa magkasanib na pananaliksik sa Tsina.

Saad naman ni Liang Wannian, Puno ng Misyong Tsino, na ang pagpapalabas ng ulat ay bunga ng magkasamang pagsisikap ng mga dalubhasang Tsino’t dayuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.