Libu-libong rice farmers sinanay ng RCEF

Libu-libong rice farmers ang sinanay at naabot ng information campaign na ipinapatupad ng Rice Competitiveness Extension Fund-Rice Extension Services Program mula nang lagdaan ang Rice Tariffication Law noong 2019.

Ayon kay Karen Eloisa Barroga, vice-chair ng Technical Working Group ng programa, mas marami nang farmers at trainers ang naturuan ng mga extension services at palalawakin pa ngayong taon upang bigyan ang mga magsasakang Pilipino ng tamang impormasyon ukol sa mga pamamaraan at teknolohiyang makapagpapababa ng gastusin at makapagpapataas ng ani ng palay.

Sa ilalim ng programa, mga 1,600 na ang dumaan sa pagsasanay sa iba’t ibang rehiyon ng bansa sa rice crop production, modern rice farming techniques, seed production, at farm mechanization.

Kabilang sa mga trainees ang mga rice farmers, mga may-ari ng mga sakahan at kanilang tauhan, at mga empleyado ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.