Mga sumisingit sa bakuna, inamin

Inamin ng isang opisyal ng Department of Health ang nangyayaring pagsingit ng ilang non-frontliners na indibidwal kabilang na ang mga opisyal ng kasalukuyang pamahalaan sa ‘vaccination program’ na inuuna sana ang mga health care workers at iba pang frontliners sa lipunan.

“We’ve had reports of this. Although we’ve been saying this can’t be because we have a prioritized vaccination in terms of health workers. This has been observed. The numbers are very insignificant but we do see a number jumping the queue,” pag-amin ni treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega.

Sa kabila ng mga pangyayaring nito, bahala na umano ang mga opisyal ng National Task Force Against COVID-19 na magpataw sa mga posibleng parusa sa mga sumisingit.

Sa Metro Manila, nasa 75 porsyento ng healthcare workers ang nabakunahan ngunit nananatiling mababa o nasa 35 porsyento pa lamang sa mga probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.