UK, South African variants kalat na sa Metro Manila

Kalat na sa lahat ng lungsod sa Metro Manila ang mas nakahahawang mga uri ng United Kingdom at South African coronavirus disease variants.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “Talagang nakita na natin itong mga variants nasa lahat na ng cities dito sa atin sa Metro Manila. Meron na tayo either the UK variant or the South African variant.”

Sa 150 COVID-positive samples na nagpositibo sa mga variants, karamihan ay nagmula sa National Capital Region.  May 46 na bagong UK variants at 62 bagong South African variants.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na sasangguni pa rin sila sa World Health Organization kung idideklara na may “community transmission” na ng UK at ng South African variants.

Inamin na ni Vergeire na nakatulong ang mga variants sa pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila ngunit iginiit na kailangan pa ring tingnan ang pagsunod ng publiko sa health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.