Mag-face mask sa bahay kung may kasamang iba – DOH

Pormal nang ipinayo ng Department of Health sa publiko ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tahanan kung may kasama kahit na kamag-anak.

Sa limang rekomendasyon na ibinigay ng DOH, kasama dito ang “Mask at home when not alone.”

Ayon sa DOH, “Everyone is called on to wear their mask properly, and to observe other preventive strategies, AT ALL TIMES and IN ALL SETTINGS even at home when living with other persons, especially the vulnerable.”

Bukod dito, ipinayo rin ng DOH na manatili na lamang sa bahay ang publiko kung hindi “essential” ang pakay; tiyakin na maayos ang sirkulasyon ng hangin sa mga bahay; agad na komunsulta kapag nakaranas ng mga sintomas; at magtungo na kaagad sa mga isolation facilities kaysa sa mga ospital.

Nagpaalala rin ang health department sa publiko na huwag nang lumabas ng bahay at mag-online mass na lang muna.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.