Health workers nanlulumo na sa pagdami ng COVID-19 cases

Nanlulumo na umano ang ilang healthcare workers, dahil imbis na bumuti, mas malala pa ngayon ang sitwasyon dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ani Jaymee De Guzman ng Filipino Nurses United, “Nakakawala ng pag-asa, wala nang gana. Marami nang nag-abroad, hindi naman natin sila masisisi kasi even throughout the year marami kaming calls, pero parang wala namang natugunan ‘yung government and ito na naman, boom, mas mataas pa ‘yung bilang kaysa sa mga nauna.”

Ramdam nila ang pagtaas ng bilang ng nagkakasakit at dumaraming dinadala ngayon sa ospital.

Dagdag niya, “We feel it in the hospital kasi talagang punung-puno na kami, pati mga empleyado nag-positive. Ironic pa, after pa nung nabakunahan saka pa dumami ‘yung positive patients.”

Sa kasagsagan ng pagdami ng COVID-19 cases noong Agosto ay nanawagan ang mga health workers ng timeout at isinailalim ang Kamaynilaan sa mas istriktong community quarantine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.