Mga datos pinatutunayan ng kaligtasan ng Sinovac

Sa kabila ng mahigpit na global demand ng mga bakuna, pinipilit ng Sinovac na tugunan ang pangangailangan ng Pilipinas para hindi maantala ang vaccine rollout ng bansa, sinabi ni Helen Yang, General Manager ng Sinovac Biotech.

Aniya, sa darating na Mayo o Hunyo, itinaas ang production capacity ng Sinovac, at inaasahang aabot ito sa 2 bilyong dosis kada taon.

Sa kasalukuyan, sa buong mundo 70 milyong dosis na ng Sinovac ang ginamit. At ayon sa mga nakolektang datos, walang ipinakitang matinding side effects at ligtas ang bakuna.

Walang tigil aniya ang kanilang pharmaceutical company sa pag-aaral ng COVID-19 upang lubos na matiyak ang mataas na kalidad at bisa ng naturang bakuna.

Matatandaang ang unang batch ng kaloob na 600,000 dosis ng Sinovac vaccine ang ipinadala sa Pilipinas noong Pebrero 28. Marso 1, inilunsad ng Pilipinas ang pambansang pagbabakuna, na sinimulan sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.