Mga taga-Metro Manila, bakunahan na!

Inirekomenda ng isang eksperto mula sa OCTA Research Group sa national government na gawing prayoridad ang vaccination rollout sa National Capital Region.

Ayon kay Dr. Guido David, ito’y upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa rehiyon, na ikinukonsidera sa ngayon bilang sentro ng pandemya.

Ipinaliwanag ni David na hindi kakalat ang virus kung mababakunahan ang pito hanggang walong milyong residente sa NCR, gayundin ang mga naninirahan sa mga kalapit nitong rehiyon, gaya ng Calabarzon at Central Luzon.

Kung maisasakatuparan aniya ito ay makakamit kaagad ang tinatawag na ‘herd immunity’ sa mga itinuturing na areas of concern.

Aniya pa, matatagalan pa ang pamahalaan na mabakunahan ang 70% ng kabuuang populasyon ng bansa, na nasa 70 milyon, upang maabot ang herd immunity.

Dagdag niya, hindi na makapaghihintay pa ang NCR para sa vaccination dahil nakakaranas na ito ngayon ng surge ng mga kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.