Sputnik V binigyan na ng EUA ng FDA

Pinagkalooban na ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration Philippines ang Sputnik V vaccine ng Russia.

Batay sa resulta ng late-stage trial, 91.6 % ang efficacy rate ng Sputnik V laban sa COVID.

Ani FDA Director General Eric Domingo, “Based on the totality of evidence available to date, including data from adequate and well-known controlled trials, it is reasonable to believe that the Gamaleya National Center of Epidemiology and Microbiology Sputnik V…vaccine may be effective to prevent COVID-19.”

“Consistent” o hindi rin umano nagbago ang efficacy rate nito nang gamitin sa mga edad 18-anyos pataas.

Ayon kay Domingo, puro mild ang adverse o side effect na naitala mula sa mga nabakunahan ng Russian vaccine, kapareho ng reaksyon sa ibang bakuna.

Kapag naiturok na aniya ang unang dose, ang huli at ikalawang dose ay kailangang may pagitan ng tatlong linggo, para sa age groups na 18 pataas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.