Voter registration ilalapit sa mga barangay

Maaaring maglagay ng mga satellite voters registration ang Commission on Elections sa mga barangay upang mas mahikayat ang mga bagong botante na magparehistro.

Ngunit ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ito ay kung mas maraming indibidwal na ang mababakunahan sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Guanzon, “If local government units can spare some vaccine in NCR after they vaccinate health workers and elderly, election officers of Comelec can do satellite registration in barangays.”

May anim na buwan na lamang ang natitira para makapagparehistro ang mga bagong botante sa 2022 at mga nais buhayin ang kanilang rehistro.

Wika niya, “We beg you dear children that are 18 years old, do get registered with the Comelec.”

Sa kasalukuyan, nasa 260,000 pa lamang ang nagsumite ng kanilang voter registration mula sa target nila na 462,500 na new voters o iyong sasapit sa 18-taong gulang bago ang Mayo 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.