Tsina, natanggap na ang kopya ng ulat ng WHO tungkol sa paghahanap ng pinagmulan ng novel coronavirus

Kinumpirma noong Biyernes, ika-19 ng Marso, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakuha na ng panig Tsino ang kopya ng ulat mula sa grupo ng mga eksperto ng World Health Organization tungkol sa paghahanap ng pinagmulan ng COVID-19.

Dagdag niya, halos 300 pahina at nasa wikang Ingles ang ulat, at isinasalin ng WHO ito sa wikang Tsino. Kung ilalabas o hindi ang ulat sa susunod na linggo, ito aniya ay depende sa pag-uusap ng mga ekspertong Tsino at dayuhan.

Sinabi rin nya na isinapubliko sa magkasanib na preskon ng mga eksperto ng Tsina at WHO ang mga pangunahing konklusyon, natuklasan, at mungkahi ng kanilang pag-aaral.

Aniya, ang paghahanap ng pinagmulan ng novel coronavirus ay suliraning pansiyensiya, na dapat maging gawain ng mga siyentista. Hindi angkop aniya ang pagbibigay niya ng komento tungkol dito, bilang tauhang di-kabilang sa larangan ng siyensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.