COVID-19, ICU wards ng St. Luke’s Medical Center sa QC, Taguig ‘full capacity’ na

Punuan na ang COVID-19 wards at intensive care units ng isang tanyag na pagamutan sa Lungsod ng Quezon at Taguig dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19

.Kinumpirma ito ng St. Luke’s Medical Center para sa kanilang Global City at QC hospitals, matapos i-project ng OCTA Research Group na maaabot ang 100% total bed at ICU capacity ng Metro Manila pagsapit ng Abril.

Ayon sa ospital, “St. Luke’s remains in full service for non-COVID-19 cases, both outpatient and inpatient.”

Tinitiyak naman ng St. Luke’s na babalitaan nila agad ang publiko hinggil sa mga developments sa kanilang pagamutan.

Ilang araw nang nakikita ang steady increase sa bagong COVID-19 cases nitong mga nakaraang linggo.

Inamin naman ng Department of Health na ginagamit ngayon ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mas striktong “bubble” sa paligid ng NCR at mga kalapit na probinsya para hindi ma-overwhelm ang health systems capacity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.