Mayor Vico, patuloy na nag-iingat

Nalulungkot ang batang mayor ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto dahil sumakabilang-buhay ang kanyang matapat at kaibigang driver na si Mang Vener dahil sa COVID-19.

Kuya Vener kung tawagin ni Mayor Vico, ito’y binawian ng buhay dalawang araw matapos isugod sa pagamutan noong nakaraang March 10 na siya ring huling araw ng kanilang pagkikita.

Dahil sa close contact ni Mayor Vico sa kanyang driver ay sumailalim siya sa RT-PCR test at nag-quarantine din siya pero negatibo ang resulta ng kanyang test gayundin ang iba pa na nagkaroon ng close contact sa namayapang driver.

Patuloy na nananawagan si Mayor Vico ng ibayong pag-iingat ng lahat at huwag kakalimutan ang mga health protocol tulad ng social distancing, paghuhugas parati ng kamay at ang pagsusuot ng face mask at face shield para maiwasang mahawa ng novel coronavirus disease.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.