Atletang Pinoy pinayagang magtraining sa ‘bubble’ para sa SEA Games

Pinayagan ng IATF ang mga national teams na gumamit ng ‘bubble’ training concept para paghandaan ang SEA Games na idaraos sa Vietnam sa Nobyembre.

Ilang national athletes din ang na-stranded sa mga bansang pinuntahan nila para sa sa kanilang training kagaya nina 2016 Rio de Janeiro Olympic Games silver medalist ng weightlifting Hidilyn Diaz sa Kuala Lumpur, Malaysia, Olympic-bound pole vaulter Ernest John Obiena sa Italy, at gymnast Carlos Edrel Yulo sa Japan.

Noong Disyembre inihayag ni dating four-division titlist Nonito ‘The Flash’ Donaire, Jr. na nagpositibo siya sa COVID-19 kaya siya nag-atras sa title fight nila ni Puerto Rican Emmanuel Rodriguez para sa World Boxing Council bantamweight belt sa Amerika.

Sa gitna ng pandemya ay nagbigay pa rin ng panalo para sa Pilipinas sina Diaz, Obiena, skater Margielyn Didal, tennis sensation Alex Eala, Olympic-bound boxer Eumir Felix Marcial at pro boxer Reymart Gaballo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.