Pagtaas ng kaso ng COVID-19, variant driven na ba talaga?

Sa kabila ng pagdami ng mga mas nakahahawang variants ng COVID-19 sa bansa, ayaw pa namang diretsahin ng Department of Health kung ito ba talaga ang driving force sa panibagong bugso ng high cases.

Ani Alethea de Guzman, OIC Director III ng DOH Epidemiology Bureau, “Nakakacontribute talaga yung variants of concern sa mabilis na pagtaas ng kaso natin… [Kaso] kahit wala tayong nakikita pang variant of concern sa maraming lugar sa Pilipinas, talagang may pagtaas ng kaso ditto.”

Aniya, pwedeng tignan ding factor ang increased mobility ng Pilipino sa ngayon at hindi pagsunod sa minimum health standards: “Highest mobility [was tallied] over the holidays. [It declined] immediately after but now on upward trend,” dagdag ng kanyang report na ibinase sa Google COVID-19 Commuunity Mobility Trends.

Ayon sa OCTA Research Group, hindi daw imposible na pumalo sa 20,000 ang mga kaso sa kalagitnaan ng Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.