117K doses ng Pfizer darating sa Abril

Nasa 117,000 doses ng bakuna kontra sa COVID-19 na gawa ng Pfizer ang inaasahang darating sa Abril.Ayon kay testing czar Vince Dizon, nangako ang World Health Organization na may ibibigay pang 117,000 doses ng bakuna na ilalaan pa rin sa mga healthcare workers.

Aniya, “Nag-commit na po ang WHO na darating po iyong 117,000 doses ng Pfizer ngayong Abril…Kaya malaking bagay din po ito lalung-lalo na para sa ating mga healthcare workers na priority nating matapos hanggang sa buwan ng…Mayo.”

Sabi ni Dizon, nasa 1.1 milyon doses na ang nakarating sa bansa at mangangailangan pa ng 3.4 milyon para mabakunahan ang lahat ng medical frontliners.

Kung matutupad aniya ang pangako ng WHO, tiyak na aabot din sa mga healthcare workers ang bakuna ng Pfizer.

Idinagdag ni Dizon na target ng gobyerno na matapos na mabakunahan ang lahat ng healthcare workers at mga senior citizens hanggang sa kalagitnaan ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.