Philippine sports sinagupa ang COVID-19 Pandemic

Matinding kalaban ang nakaharap ng Philippine sports sa 2020.Dahil sa COVID-19, natigil ang pagdaraos ng collegiate, amateur at professional sports activities sa buong bansa.

Noong Abril 2 ay inihayag ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagkakansela sa kanilang mga sporting events katulad ng Palarong Pambansa, Philippine National Games, Batang Pinoy at ang pagdaraos ng ASEAN Para Games.

Ginawa namang quarantine facilities ang Rizal Memorial Sports Complex sa Manila, PhilSports Complex sa Pasig at New Clark City Sports Complex sa Tarlac.

Noong Oktubre 11 ay muling binuksan ang Philippine Cup sa loob ng ‘bubble’ sa Clark, Pampanga kung saan tinalo ng Barangay Ginebra ang TNT Tropang Giga, 4-1, sa kanilang best-of-seven cham-pionship series.

Bukod sa PBA ay pinayagan din ng Inter-Agency Task Force ang pagbabalik-aksyon ng Philippines Football League at Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 sa loob ng ‘bubble.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.