Airport sa Bulacan, suportado ng LGUs, residents

Sinuportahan kahapon ng mga local officials, residents at stakeholders ang agarang pagpapagawa ng Manila International Airport sa Barangay Taliptip, Bulacan.

Ito aniya ay isang game-changing project na itatayo ng San Miguel Corporation at magpapakita sa economic potential ng Bulacan province na magbibigay ng trabaho sa mga Pinoy para makabangon sa COVID-19 pandemic.

Nagkaisa sina Bulacan governor Daniel Fernando, Bulakan town mayor Vergel Meneses at mga opisyales at residente ng Barangay Taliptip at Bambang na suportahan ang 740-billion-peso project sa idinaos na public hearing na pinamunuan ng Environment Management Bureau ng Department of Environment at Natural Resources.

Ani Fernando, “Ang proyektong ito ay maghahatid ng ibayong kaunlaran at mataas naantas ng pamumuhay.”

Kabuuang 364 relocated residents ang binigyan ng SMC ng cash assistance para sa pagtatayo ng airport sa Bulacan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.