‘Vaccination program’ bibilis sa 2nd quarter

Umaasa ang Department of Health at ang National Task Force Against COVID-19 na mapapabilis ang “vaccination program” lalo na sa mga health care workers sa kalagitnaan ng ikalawang quarter ng taon sa pagdating na ng mas maraming suplay ng bakuna.

Sinabi ni NTF Secretary Carlito Galvez Jr. na sa naturang panahon pa lamang aabot sa “full-scale” ang vaccination.

Ito ay makaraang magpasaring si Senador Panfilo Lacson na sa bagal ng vaccination ay maaaring matapos ito sa 12 taon bago mabakunahan ang target na 70 milyong mamamayan.

Nag-umpisa ang vaccination ng pamahalaan nitong Marso 1 nang dumating ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines kasunod ang 487,000 doses ng AstraZeneca vaccines.

Sinabi ni DOH Secreary Francisco Duque na sistematiko ang pagbabakuna ng healthcare workers para magkaroon ng maayos na rotation ang staff sa pagamutan habang sumasailalim sa recovery ang mga nabakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.