WHO: Walang dahilan upang ihinto ang paggamit ng bakuna ng AstraZeneca

Sa kabila ng pagsuspendi o paglilimita ng ilang bansang gaya ng Austria, Denmark, Italy, Romania, Thailand, at iba pa, sa paggamit ng bakuna kontra COVID-19 na idinebelop ng AstraZeneca at University of Oxford sa United Kingdom, dahil nagkaroon ng blood clot ang ilang tao pagkaraang bakunahan, sinabi noong Biyernes, ika-12 ng Marso, ng World Health Organization, na walang dahilan upang ihinto ang paggamit ng bakunang ito.

Binigyang-diin ng WHO na walang naitatag na causal link sa pagitan ng paggamit ng bakunang ito at blood clotting.

Sa preskon sa Geneva, sinabi ni tagapagsalita Margaret Harris ng WHO na sinuri ng mga eksperto ang mga data ng ilang kaso ng namatay, at hindi pa natuklasan ang ebidensiyang ang mga ito ay sanhi ng pagbabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.