20K tuberculosis patients nanganganib masawi kada taon

Kung hindi maaagapan ay nanganganib masawi ang 20,000 pasyente ng tuberculosis kada taon, inihayag ng Department of Health.

Posibleng umabot sa 100,000 TB patients ang masawi sa loob ng susunod na limang taon dahil sa patuloy na pagkaantala ng serbisyong medikal ng pamahalaan dulot ng restriksyon na kagagawan ng pandemya.

Ito ay base sa “modelling study” ng Imperial College of London na nagsabi na maaaring umabot mula 65,000 hanggang 146,000 ang masasawi dahil sa TB kung mananatiling limitado ang galaw ng healthcare service para sa naturang sakit.

Mula Marso 2020, kung kailan nag-umpisa ang pagkaantala ng TB services tulad ng konsultasyon, testing at paggagamot, bumagsak umano ang bilang ng mga kaso ng TB na ipinapaalam sa pamahalaan.

Sa dulo ng 2020, nasa 268,000 bago at nag-relapse na TB cases ang naiulat sa DOH. Mas mababa pa rin ito ng 35 porsyento kumpara sa datos noong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.