Patung-patong na kaso vs driver ng SUV na umararo sa Land Bank

Kinasuhan na ng District Traffic Enforcement Unit Sector 6 ng Quezon City Police District ang driver ng SUV Mitsubishi Montero na umararo sa isang sangay ng Land Bank of the Philippines sa Edsa Muñoz, Quezon City.

Reckless imprudence resulting to damage to property at physical injury ang kinakaharap na kaso ni Dra. Ester Peralta ng Manila Health Department.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni Police Staff Sargeant Ruel Ang, pasado alas-8 ng umaga kamakalawa nang maganap ang insidente. Katatapos lamang umanong mag-withdraw ni Dra. Peralta sa ATM ng Land Bank nang ito ay sumakay ng kanyang Montero model 2012.

Iginiit ng driver na naka-park mode ang kambyo ng kanyang sasakyan nang bigla itong umarangkada at tinumbok ang bangko.

Mechanical error o problema sa computer box ng SUV ang itinuturo ng driver na dahilan ng nasabing aksidente. Pero sabi ng imbestigador, posibleng human error ang sanhi ng insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.