Pinas mababawi ang ranking sa Global Innovation Index dahil sa CREATE Act

Muling mapapataas ng ‘research and development incentives’ ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act ang ranggo ng Manila at Pilipinas sa Global Innovation Index na sumadsad ngayong taon mula sa mataas nilang puwesto noong 2020.

Ito ang pahayag ni Albay Representative Joey Salceda, House Ways and Means Committee chairman, kaugnay sa “Tholons Global Innovation Index 2021” report kamakailan kung saan bumagsak sa ika-18 puwesto ang Pilipinas mula sa pang-limang ranggo nito sa kategoryang “Top 50 Digital Nations.”

Naging pang-walo na lang din ang Manila mula sa pangalawa noong 2020 sa kategoryang “Top 100 Super Cities.”

Puna ni Salceda, hindi sapat na dahilan ito para maalarma ang bansa, ngunit kung ito’y hindi matutugunan agad, malamang humina ang ‘Business Process Outsourcing sector’ na nagbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.