Karagdagang 400,000 dosis na bakunang kaloob ng Tsina, dumating na ng Maynila

Dumating ng alas-7 ng umaga noong ika-24 ng Marso sa NAIA Terminal 2 ang karagdagang 400,000 dosis ng bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina. 

Lulan ng eroplano ng Philippine Airlines PAL ang naturang mga bakunang gawa rin ng Sinovac Biotech ay ang pangalawang batch na donasyon ng Tsina.

Matatandaang inihatid sa Pilipinas noong Pebrero 28 ang unang pangkat ng bakuna ng Sinovac na kinabibilangan ng 600,000 dosis. Kinabukasan, inilunsad ng Pilipinas ang pambansang inokulasyon, na sinimulan sa Metro Manila.

Sinabulong nina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas; Francisco Duque, Kalihim ng Kalusugan; Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng COVID-19 National Task Force; at Senador Bong Go, Tagapangulo ng Senate Committee on Health ang nasabing mga bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.