PUVs na lalabag sa safety protocols tatanggalan ng prangkisa

Nagbabala kahapon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na kanilang tatanggalan ng prangkisa o provisional authority ang mga Public Utility Vehicles na hindi sumusunod sa mga health safety protocols na isang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa LTFRB, bukod sa tamang pagsusuot ng face mask at face shield, kapansin-pansin na bihira na rin ang kumukuha ng body temperature at hindi na rin nakikita ang dati ay disinfection na isinasagawa sa mga jeepney at bus sa kanilang mga terminal, hindi gaya noong nakalipas na taon.

Sinabi pa ng LTFRB na hindi nila kayang bantayan ang lahat ng sasakyan kaya’t umaapela sila sa mga pasahero na huwag matakot pumuna at ipagbigay-alam ito sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng kanilang mga social media account.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, hindi dapat maging kampante ang bawat isa dahil ang COVID ay nandiyan lamang at handang umatake.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.