Bagong COVID-19 variant mula sa Pinas kumpirmado

Kinumpirma ng Department of Health ang bagong variant ng COVID-19 na unang nakita sa Pilipinas na tinatawag ngayon na P.3 variant.

Nabatid kay DOH Technical Advisory Group Member at Pediatric Infectious Disease Expert Dr. Anna Ong-Lim, na kinumpirma na sa kanila na bagong variant nga ang nakita sa Pilipinas pero hindi ito tatawaging Philippine variant at sa halip ay P.3 upang hindi makasanayan na ikinakabit sa pangalan ng isang bansa ang natutuklasang bagong variant dahil nagdudulot ito ng diskriminasyon.

Nauna rito, inanunsiyo ng Japan Health Ministry na isang pasahero mula sa Pilipinas ang positibo sa ibang variant ng COVID-19.

Kinumpirma ni Ong-Lim ang anunsiyo ng Japan na bagong variant mula sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Ong-Lim na wala pa ngayong sapat na datos para sabihin kung mas nakakahawa ang P.3 variant o mas nagiging sanhi ng malubhang sakit o mayroong association sa higher mortality rates.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.