Isdang ‘GG’ halos P300 na kada kilo

Iimbestigahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang ulat na pagtaas ng halaga ng isdang galunggong sa mga palengke.

Ayon kay BFAR director Eduardo Gungona, wala siyang nakikitang dahilan para tumaas ang halaga ng galunggong dahil pinapayagan na ngayon na makapanghuli ng isdang ito bukod sa maraming imported na galunggong ang nasa palengke at walang kakapusan sa suplay.

Aalamin anya kung mayroon na ring nagsasamantala sa presyuhan ng galunggong.

Napaulat na halos 300 piso na ang kilo ng galunggong na kasinghalaga na ng karne ng baboy gayung dapat ay pumapalo lamang ang presyo nito sa 230 hanggang 250 piso ang kilo.

Sinabi ni Gungona na kung may mataas na bayad sa pagdadala ng isda sa Metro Manila ay magkakaloob sila ng transport subsidy para hindi ito maging ugat ng taas ng presyo.

Sa imbestigasyon titiyakin anya na bibigyang proteksyon ang mga mamimili mula sa abusadong negosyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.