Pagbabahaginan ng bakuna kontra sa COVID-19, salamin ng tunay na saloobin sa gitna ng krisis

Ipinatalastas noong Marso 15 ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas na umabot sa 5,404 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa araw na ito. Sa loob ng nagdaang pitong buwan, ito ang pinakamataas na karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso sa loob lang ng isang araw.

Kaugnay nito, tinataya ng OCTA Research na kung magtutuloy-tuloy ang kasalukuyang tunguhin ng pagkalat, hanggang katapusan ng kasalukuyang buwan, posibleng aabot sa 8,000 ang karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso bawat araw sa bansa.

Sa harap ng biglang lumalalang kalagayan ng pandemiya, nasasadlak ang pamahalaang Pilipino sa napakalaking kahirapan.

Sa isang dako, walang duda, ang paglock-down ng apektadong lunsod ay kasalukuyang pinakadirekta at pinakamabisang paraan sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, ngunit muli nitong hihilahing pababa ang nagsisimulang bumangong kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.