Bakuna pwede sa mga may sakit

Nilinaw ng Department of Health na maaari pa ring bigyan ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga may comorbidities o taong may sakit.

Ayon kay DOH Technical Advisory Group Member at Pediatric Infectious Disease Expert Dr. Anna Ong-Lim, ang mga bakuna ay “inactivated” o hindi buhay na mikrobyo kaya maaari silang gamitin ng karamihan na may kondisyon o ibang sakit.

Pero hindi aniya puwede ang bakuna sa mga nakaratay na o nasa ospital at may malubhang sakit.

Maaari rin mabakunahan ang may mga stable medical conditions o kahit na mga taong mahina ang immune system.

Pero hinihikayat ni Ong-Lim ang mga taong mahina ang immune system na sumangguni muna sa kanilang doktor lalo pa’t sila ang mabilis na kapitan ng sakit.

Naniniwala siya na mas ikokonsidera ng mga doktor na mabigyan ng bakuna ang mga may ibang karamdaman o mahina ang immune system dahil hindi naman buhay na mikrobyo ang ibabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.