Magsasaka, mangingisda, driver, vendor iprayoridad sa bakuna

Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa awtoridad na gawing prayoridad din sa bakuna kontra COVID-19 ang mga magsasaka, mangingisda at iba pang manggagawa na frontliners sa “informal economy.”

Wika ni Pangilinan, “Kailangang kasama sa frontliners na tatanggap ng bakuna ang mga nagsasari-sari store at Grab drivers, drayber at pahinante, nagpi-fishball at street vendors, magsasaka at mangingisda. Unahin ang gulugod ng ekonomiya.”

Ayon kay Senador Kiko, marami sa ating mga kababayan ang nabubuhay at nakakaahon sa gitna ng pandemya sa tulong ng mga nagtatrabaho sa informal sector.

Batay sa Covid-19 Vaccination Program Act, kabilang ang mga manggagawa sa informal sector sa mga indigent o mahihirap nating kababayan na dapat unahin sa bakuna.

Aniya, nakababahala na hanggang ngayon ay mataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 kahit halos isang taon nang naka-lockdown ang buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.