I-quarantine ang mga pasyente, close contacts sa susunod na 24 oras — IATF

Upang palakasin at pagpapatupad ng minimum public health protocols ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force na ang mga rekomendasyon ng Department ng Health na pag-quarantine sa susunod na 24 oras sa mga pasyente at close contacts na nagkaroon ng sintomas ng COVID-19 gamit ang RT-PCR test.

Paiigtingin ang paghahanap at pagtiyak ng lahat ng suspected cases na isasailalim sa RT-PCR, pag-tracing at pag-quarantine.

Kinakailangang ipatupad ng mga local government units ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic o CODE sa pamamagitan nang pagpapalakas sa mobilisasyon ng barangay health emergency response team.

Kasama rin sa CODE ang pagmomonitor sa mga workplaces at iba pang closed settings tungkol sa kanilang case data at pagsunod sa minimum public health standards…ang pagtiyak na tamang handover sa LGUs ng mga returning overseas Filipinos para masiguro ang pagsunod at makumpleto ang quarantine.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.